
Pagkatapos nang epekto ng Typhoon
Yolanda (Typhoon Haiyan) na hindi na malilimutan ng barangay Mamhut Norte at
nang buong bansa masasabi ko talaga na unti unti nang nakabangon ang aming barangay
sa pagkalugmok sa tulong ng Philippine Red Cross at sa iba pang organisasyon,
mga tao at grupo ng mga tao para muli kaming makabalik sa normal na buhay.
July 16, 2016 muling gumawa ng
kasaysayan ang Philippine Red Cross sa pangunguna at pakikilahok ng komunidad
ng Mamhut Norte sa pagdiriwang ng kauna-unahang NUTRITION DAY na may tema na “First 1000 Days ni baby
pahalagahan para sa malusog na kinabukasan.”!
Araw bago ganapin ang programa
tulong tulong ang mga mamamayan, mga barangay officials sa pangunguna ni Brgy. Captain Wilfredo
Prudente, Brgy Kagawad Roger Aposaga, Bookkeeper Ramon Balberona at ng dalawang
masipag na CVO na sina Raffy Maghanoy at Mr. Gadian at ng mga Community Health
Volunteers ng Philippine Red Cross ng Mamhut Norte sa pangunguna ng masipag na
Facilitator na si Criselda B. Baclason.
Umaga nang July 16, 2016 abalang
abala na ang mga CHV’s sa paghahanda ng pagtitipunan ng programa. Mga alas 9:00
ng umaga nagsimula ang programa.
Pinangunahan ni Myrna Aposaga isa
sa mga CHV ang masaya at nakaka-aliw na storytelling sa mga bata katulong sina
Shirline lapuz at Rese Bernat Estante Salmorin. At sinundan ito ng nakakatuwang
palaro sa mga bata ng mga CHV’s na sina Josefa Binegla, Analy Custinar, Leny
Prudente at Josie Maghanoy. Tuwang tuwa ang mga bata sa palaro at ang mga
nagwagi ay may mga masustansiyang pagkain para sa kanila.


Sa kabilang banda tinuruan ng mga
CHv’s na sina Alyn Rafael, Rosaminda Francisco, Ma. Fe Francisco, Concepcion
Balberon at Remedios Balberona ang mga dumalong mga nanay at buntis tungkol sa
mga karapatan ng mga bata at ang kahalagahan ng breastfeeding para sa kalusugan
ng mga bata.
Nang dumating ang mga barangay
officials ng Mamhut Norte at ang TPA na si Gilbert Fernando, CO na si Wil
Ticar, mga bisita mula sa barangay
Gimamanay at barangay Balanti-an ay inumpisahan na ang programa.
Inumpisahan ang programa sa
pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Myrna Aposaga at sinundan ito ng
pambansang awit na pinangunahan ni Josefa Binegla.
Nagbigay ng paunang bungad ang
masipag na pinuno ng Mamhut Norte na si Hon. Wilfredo Prudente. Para maintindihan
kung ano ang CBHFA o Community Based Health and First Aid ipinaunawa ito ni
Joerry Dulalia sa mga mamamayan ng Mamhut Norte.


Ibinigay ang mahalagang mensahe ng
TPA ng Health Sector ng Philippine Red Cross na si Mr. Gilbert Fernando ang
mensaheng hindi malilimutan ng mga mga simpleng mamamayan ng Mamhut Norte
tungol sa kalusugan.


Sinundan ito ng napakasayang at
muntik na hindi matuloy na sayaw ng mga CHV’s ng Mamhut Norte. Hindi nga
perpekto ang sayaw pero nag-enjoy ang mga tao sa ginawang presentasyon ng mga
masisipag at isang pamilyaang turingan na mga CHV’s ng Mamhut Norte.


Winakasan ni Hon. Nora Jaranilla
ang Kagawad na Committee on Health sa kanyang pangwakas na mensahe. At pagkatapos
nito masayang ngtitpon tipon ang mga mamamayan para pagsaluhan ang simpleng
Arroz Caldo at tinapay na inihanda para sa lahat. Simpleng pagkain pero masaya itong
pinagsaluhan.


Dahil may partisipasyon ang Wash
Sector ng Philippine Red Cross sa programa sila ang nagturo sa mga bata kung
paano linisin at pangalagaan ang ngipin sa pamamagitan ng tamang pagtoothbrush. Sila rin ang nagturo sa mga
bata kung ano kahalagahan at paano maghugas ng kamay katulong ang mga CHV’s na
sina Celia Almasol, Jenafe Almasol, Amelia Diaz, Ireen Prudente, Jonalyn
Prudente at Gina Bantillo.
Nagkaroon din ng pormal na
pagtannggap ng mga regalo para sa mga
batang Day Care Center ang pinuno ng
barangay in behalf sa very hospitable at very accommodating na Day Care Worker
na si Mrs. Grace Balagantio. Nagpapasalamat ang Philippine Red Cross, Health
Sector sa pagpagamit sa Day Care Center building upang gawing lugar na
tanggapan para sa mga mga ina at mga bata.
Natapos ang makasaysayang programa
na matagumpay at naway patuloy itong gagawin taon taon sa barangay sa
pangunguna ng komunidad at hindi ito ang una at huli. Ang napakaganda at very
active na si Ms. Jennifer dela cruz Sobron ang Lady of Ceremony ng programa.
God Bless Mamhut Norte and God bless Philippine Red Cross!
Maraming salamat sa mga dumalo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento